Masayang-masaya sa ngayon ang pamilya ni Mary Jane Veloso sa naging resulta ng pakiusap ng Pilipinas sa Indonesia na ipagpaliban na muna ang pagbitay kay Mary Jane, anya dininig ng Dios ang panalangin ng sambayang Pilipino upang mapigilan ang nasabing Firing Squad na pataw.
Napag-alamang Siya ay nadakip noong 2010 sa kasong Drug at hanggang ngayon nasa loob parin ng piitan at nahatulan ng kamatayan. Abril 28 2015 ang nasabing petsa ng pagpataw ng parusa ngunit ito'y hindi natuloy sa pakiusap ng gobeyerno ng Pilipinas na ipagpaliban na muna dahil sa pag-aaralan na muna nila ang kasong kinaharap ni Mary Jane.
Hindi maipentang tuwa sa mga mukha ng mga kamag-anak at mga kakilala ni Mary Jane ang naranasan ngayon kaya't sila'y patuloy na nananalangin para sa kabutihan ng biktima.
No comments:
Post a Comment