Wednesday, May 20, 2015
Louise Delos Reyes Reaction to the woman who claimed her as daughter
Hanggang ngayon palaisipan parin sa mga fans ni Louise Delos Reyes ang kumalat na balita na siya ay ampon at lumitaw ang isang babaeng nagpakilala na siya ang totoong ina ng dalaga.
Ngunit kinalakihang ina ni Louise nagsasabing hindi niya kilala ang babaeng nagpakilala at wala silang ganung kilalang babae.
Louise Delos Reyes ayaw patulan ang nasabing kuwento ayon sa kanya isang magulang lang umano ang kanyang kikilalanin at yun ang kanyang kinalakihang magulang.
Sa kuwento ng isang babae na nagpakilala na tunay na ina ni Louise nabuntis umano siya ng kanyang kasintahan noon, bata pa umano siya kaya't hindi niya alam kung paano niya buhayin at alagaan ang bata, kaya't may tumulong umano sa kanya na ipaampon ang bata at napunta ito sa pamilyang Perido.
Wala umanong anak na babae ang pamilyang ito kaya naisipan nila na mag-ampon, at sakto namang babae ang bata at si Louise iyon.
Nasambit din niyang kilala siya ng mga nakalakihang magulang ni Louise kaya't hiling lang niya na mapatawad daw siya ng dalaga at kilalanin din siyang ina nito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment