Friday, May 15, 2015
Maja Salvador Totoo bang inisnab si Gerald?
Sa panayam kay Maja sa isang Press Conference sinabi niyang walang dapat iwasan o wala siyang iniwasan na tao.
Ang mga ispekulasyon ay nangyari dahil sa umano noong may naganap na star magic games si Maja umano ay nag-iisa habang si Gerald naman ay abala rin sa pangunguna ng isang seremonya.
“No, wala akong dapat iwasan. Talagang M-W-F kasi it’s for Bridges of Love; T-Th-S for You’re Still The One movie,” ang kanyang sambit.
“Dapat hindi ako mag-a-attend ng sports fest kasi Sunday, rest day ko na yun, parang tulog na. Pero siyempre, Star Magic sports fest ‘yun, so dapat nandun din naman ako. At ni-request ng Sun Life na mag-muse ako sa kanila,” patuloy niya.
Sabi niya pagkatapos agad ng seremonya dali-dali din siyang umalis at umuwi sa kayang bahay.
Nang siya naman ay tanungin tungkol sa kung nagkausap parin ba sila ng kanyang nobyo? siya ay ngumiti at sinambit ang katagang "I love you".
Sa kabila ng pagiging mailap ni Maja takip parin ang kanyang bibig sa kung sakaling ano ang kanyang maging reaksyon kung magkrus ang landas nila ng kanyang dating boyfriend na si Gerald.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment